Saturday, July 16, 2011

TULA

                 KALIKASAN
Hindi inaasahang sa gabi'y naganap
Ang kalunos-lunos na paghihiganti
Kagandahan b'wan sa mga ulan
Sa paglunos ng ula't ihip ng hangin


Sa gabing iyon, napuno ng pangamba
At takot at pananaghoy ang paligid
At sila ang magsisilbing timbulan
At sa ganitong bingit ng kamatayan


Paglipas ng araw maraming nasawi
Hanggang kailan ang bunga, nitong sakuna?
Walang kusing, ngunit tanging kaligtasan?


Ngunit, hanggang saan, sila ay tutungo?
Nababalisa, kung saan magpatuloy
Pagsubok ng diwa ng pagdadamayan
Naging bayaning handang magsakripisyo.

No comments:

Post a Comment